
Sasakit ang tiyan n'yo sa kakatawa sa panonood ng 'Kaya Ko 'Yan' video ng Kapuso sexy comedienne na si Faye Lorenzo.
Kumasa si Faye sa hamon na gawin ang '24 Hour English Only' challenge na sumubok sa pagiging matatas niya sa pagsasalita ng English.
Napanood sa naturang vlog na inupload sa YouLOL kagabi, February 17, na kinailangan ipakita ni Faye ang kanyang English skills sa pilot episode ng show ni Jose Manalo na Catch Me Out Philippines.
Sinubukan din ni Betong Sumaya si Faye nang tanungin niya ito ng ilang tanong na mula sa Miss Universe pageant.
Paano kaya sinagot ng sexy actress ang itinanong kay 1994 Miss Universe titlist na si Sushmita Sen na, 'What is the essence of being a woman?'
Wika ni Faye, “The essence of being a woman is...”
Natigilan muna ang GMA Artist Center beauty bago humirit ng kanyang malupit na sagot.
Pagpapatuloy niya, “I think is the… essential oil [smiles].
“Because of the oil you know, the oil is important especially the organic oil, Baguio oil, you know that's good for the heart.”
Panoorin ang buong vlog ni Faye sa Kaya Ko 'Yan sa video below!
Check out the sexy photos of the Bubble Gang bombshell Faye Lorenzo.
Stay updated 24/7 with your favorite comedy programs and online shows on YouLOL by visiting GMANetwork.com!
'Game of the Gens' stars, inisa-isa ang nami-miss nila noong dekada 2000
WATCH: Paolo Contis at Jak Roberto, tinuruan si Analyn Barro ng 'hokage moves'