
Sheba Strange is back para sa second story ng Kuwentong Tililing!
And this time mas todo ang kulitan at katatawanan sa bagong chapter ng all-original YouLOL content na "I Love You, Behrus" kung saan tampok ang Kapuso actress na si Kim Domingo.
Sa bagong kuwento ni Sheba Strange, makikita natin ang kakaibang true love sa pagitan ng two unlikely characters.
Tungkol saan kaya itong wacky story ni Sheba Strange?
Sa mundong ang init ng araw ay anti-bacteria, tubig na sana'y walang amoeba at dilang hindi sana mawalan ng panlasa, nabuo ang panti-virus na panlaban umano sa pandemya!
Ngunit paano kung ang true love mo ay wala sa tao, hindi rin sa aso pero nasa behrus ng katawan mo? Will you say I behrus you?
Heto at panoorin ang bagong handog ng Kuwentong Tililing just for you, mga Ka-YouLOL!