GMA Logo Radson Flores
What's on TV

'Voltes V: Legacy' star Radson Flores, napahugot sa tanong na kung in a relationship na ba siya

By Aedrianne Acar
Published January 26, 2022 6:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Radson Flores


Secrets exposed! Panoorin ang big revelations ng 'The Cray Crew' boys sa 'Guilty or Not Guilty' challenge.

Lumabas ang kakulitan ng Sparkle heartthrobs na sina Allen Ansay, Radson Flores, Kim de Leon, at Abdul Raman nang sumabak sila sa 'Guilty or Not Guilty Challenge' sa new episode ng The Cray Crew.

Isa sa mga tanong na sinagot ng apat: kung in relationship ba sila ngayon?

Tila may hugot ang Voltes V: Legacy actor na si Radson Flores sa tanong na ito, sabi niya, “Not guilty kasi, ano… walang pang plano.”

Biglang biro naman ni Kim, “Nasira 'yung plano.”

Tumugon uli ang StarStruck finalist at sinabing, “Iniwan, 'di chour [lang]. Pinagpalit ka sa singkit din.”

Wala naman nabanggit na pangalan si Radson Flores sa episode.

Source: YouLOL (YT)

Nagtawanan din ang The Cray Crew boys sa sagot naman ni Allen na hindi siya guilty. Matatandaan na nali-link ang guwapong binata sa kanyang Prima Donnas co-star na si Sofia Pablo.

Naka-ngiting reply ng newbie actor, “Siyempre, bata pa [laughs]. Bata pa, may inspirasyon lang 'di ba, bata pa.”

Panoorin ang 'Guilty or No Guilty' challenge ng boys mga crewmates sa YouLOL!

Find out more about the four amazing hosts of The Cray Crew in this gallery.