GMA Logo Alex Calleja
Source: YouLOL
What's on TV

Your Honor: Alex Calleja, tinawag na addict noon ng ina ng kaniyang misis

By Aedrianne Acar
Published February 1, 2025 9:30 PM PHT
Updated February 2, 2025 4:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCG: Zero tolerance policy, sanctions vs indiscriminate firing amid New Year revelry
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News

Alex Calleja


Stand-up comedian na si Alex Calleja, inalala ang unang pagkikita nila ng mother-in-law sa 'Your Honor.'

Maisasalarawan na mala-telenovela ang simula ng pag-iibigan ng stand-up comedian na si Alex Calleja at misis nito na si Danah.

Going strong pa rin ang relasyon ni Alex sa misis niya na magkasama sa loob ng 27 taon.

Sa pagharap niya sa nakakaaliw na session kasama sina Tuesday Vargas at Buboy Villar sa Your Honor, ikinuwento ng comedian na Malaki ang agwat ng estado ng buhay nila ng kaniyang maybahay.

“'Yung asawa ko anak siya ng Heneral!” sabi ni Alex. Pagpapatuloy niya, “Anak siya ng Heneral 'di ba mahirap lang kami. 'Tapos, Assumption siya e.

“Hindi pa ako nag-aaral nun, Assumption siya, nagtatrabaho ako sa isang fastfood. Tapos 'pag sinusundo ko siya, siya 'yung may kotse, ihahatid naman niya ako sa bahay.”

Ibinahagi rin nito sa House of Honorables ang naging reaksyon ng nanay ni Danah nang makita siya nito nang naglakas-loob daw siyang dumalaw sa bahay nila.

Pagbabalik-tanaw ni Alex Calleja, “Naglakas-loob ako dun sa may Navy village, mga opisyal. 'Yung buhok ko nun Kimpy, kasi akala ko bagay sa lahat 'yung Kimpy.

“Nakita ako nung nanay [ni Danah] sabi nung nanay sa akin mukha raw ako addict. So, pagdalaw ko sabi niya, 'Yoko na makita yang lalaki na yan mukha siyang addict.”

Nakakatawang hirit ni Alex sa House of Honorables, “Grabe naman kayo! Far out, badtrip. Tapos tinapon ko 'yung syrup parang nainis ako.”

“Ang nangyari naging lihim, naging lihim ['yung relasyon]. Tapos may nangyari sa amin of course 'pag may sex, may nabubuntis. Hanggang sa 'yun ang pangalawang kita nila namamanhikan na kami,” saad niya.

Source: alexcalleja1007 (IG)

Balikan ang love story ni Alex Calleja at misis niya sa episode ng Your Honor na ini-stream sa YouLOL noong February 1 sa video below.

RELATED GALLERY: Tuesday Vargas and Buboy Villar show amazing chemistry during the
'Your Honor' pictorial