
Love month is not yet over, mga Ka-YouLOL!
Usap-usapan pa rin ngayon ang nangyaring kilig confession nina Buboy Villar at Faith da Silva sa hit YouLOL Originals vodcast na Your Honor.
Napa-'real talk' sa session nitong Sabado (March 1) sina Buboy at Faith sa isa't isa, na binansagan pa ni Madam Chair Tuesday Vargas bilang 'BuFaith,' matapos aminin ni Buboy na “TOTGA” niya ang former Bubble Gang comedienne.
Sa portion naman ng Your Honor na “Executive Whisper,” inilahad din ni Buboy ang dahilan kung bakit hindi niya tinuloy na pormahan ang special resource person nila.
“Alam n'yo naman na honest ako na tao 'di ba? Kung ano kami ni Faith lalo na kapag nag-AOS (All-Out Sundays) tayo 'di ba, kung ano talaga ako sa kanya noon, walang halong kaplastikan, gustong gusto ko talaga si Faith.
“Sa sobrang gusto ko si Faith napangunahan na talaga ako ng kaba, at alam mo 'yun, siguro kinuwestiyon ko din 'yung sarili ko na parang sasapat ba ako sa isang Faith da Silva.”
May mahigit two million views na as of writing ang Your Honor video na ito sa TikTok.
@youlolgma Buboy at Faith, nag-aminan ng feelings! #yourhonor #youlol #youlolgma #youlolyourhonor #gmanetwork #buboyvillar #tuesdayvargas #youloloriginals #fyp #herlenebudol #faithdasilva ♬ original sound - YoüLOL
Alamin ang naging sagot ni Faith sa video below:
RELATED CONTENT: GET TO KNOW SPARKLE ACTRESS FAITH DA SILVA