GMA Logo Sef Cadayona and Jayson Gainza in Your Honor
What's on TV

Sef Cadayona at Jayson Gainza, handa ba magsinungaling sa ngalan ng 'bro code'?

By Aedrianne Acar
Published March 8, 2025 9:31 PM PHT
Updated March 8, 2025 9:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 26, 2025
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Sef Cadayona and Jayson Gainza in Your Honor


Sef Cadayona at Jayson Gainza, nagsalita kung naglalaglagan ba ang mga lalaking magto-tropa sa newest session ng 'Your Honor.'

Usapang 'bro code' ang session ng Your Honor last Saturday night (March 8) at sumalang para magbigay ng opinyon nila tungkol sa topic na ito ang mga resource person na sina Sef Cadayona at Jayson Gainza.

Ang session this week na tinawag “In Aid of Boy Talk: Secrets Revealed”, tinanong ni Madam Chair Tuesday Vargas ang kanilang bisita kung pasok din ba sa 'bro code' na kahit gumagawa ng mali ang kanilang kaibigan ay never silang magsasalita.

Tanong ni Tuesday kina Sef at Jayson, “Kahit yung barkada mo gumagawa ng mali, ang 'bro code' ibig sabihin nagkakaintindihan tayo huwag ka magsasalita?"

Paliwanag ni Jayson sa Your Honor: “Hindi naman namin tino-tolerate. Pero 'di rin namin pinapakialaman, kasi buhay niya 'yun, parang ganun.”

Sumunod na sinabi naman ng Ticktoclock host na ibang usapan na nung tumanda na sila magbabarkada. “Pero nung nagka-edad naman ako, minsan sinasabi ko, 'Pare baka naman lumalim ka naman diyan. May ganun 'pag nagma-mature ka na, may concern ka na para sa pamilya niya.

“Kasi, 'yung pamilya niya 'tsaka anak niya parang pamilya mo na rin.”

Dinugtungan naman ng former Bubble Gang comedian na si Sef ang paliwanag ni Jayson.

Aniya, “Hindi man namin sasabihin directly dun sa kung saan siya may kasalanan. Pero, depende sa lalim, 'Pag sobrang lalim nung ginawa, medyo igi-gulit trip mo na 'yung tropa mo.”

“Hindi namin siya ilalaglag, pero pagsasabihan.”

RELATED CONTENT: CAREER HIGHLIGHTS OF SEF CADAYONA AND JAYSON GAINZA