GMA Logo Arthur Solinap
What's on TV

Arthur Solinap, bakit hindi nafi-feel na isa na siyang 'Tito'?

By Aedrianne Acar
Published April 26, 2025 9:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: January 2, 2026 [HD]
Negros Occ records over 260 road mishaps
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News

Arthur Solinap


'Pepito Manaloto' stars Arthur Solinap, Mosang, at Janna Dominguez, ipinatawag ng House of Honorables sa isang masayang session tungkol sa pagiging tito at tita.

Sandamakmak na tawanan ang napanood ng netizens na tumutok sa newest session ng Your Honor dahil humarap sa pagdinig ng House of Honorables sina Mosang, Arthur Solinap, at Janna Dominguez ng Pepito Manaloto.

Ipinagdiriwang ng award-winning sitcom ang kanilang 15th anniversary this week at nitong April 26, napanood ng viewers ang unang salvo ng kanilang two-part summer special.

Humarap ang tatlo kina Tuesday Vargas at Buboy Villar para maging resource person sa session nila na "In Aid of Getting Older: Tito and Tita problems".

Dito ibinahagi ni Mosang ang mga tingin niyang 'signs' na pasok ka na sa 'tita squad.'

Paliwanag niya sa Your Honor, “In terms of decision making, nagha-hot flashes na ako. Bigla ka sumisigaw ang init! Yung hormones nararamdaman mo na siya lahat ng imbalance ng hormones, nararamdaman mo na siya.”

Sabat naman ni Janna, “Isa sa mga sign na Tita ka na pagka-kunwari edad na 'yung pinag-uusapan, nasasaktan ka na nang konti. 'Uy! Konti lang naman 'yung difference natin mga five years lang 'di ba.”

Sabat ulit ni Mosang, “Ito ah 'pag nasa mall, hindi ka naka-make up, hindi ka nakaayos ang tawag sa 'yo Lola. Nakakaloka!

Tanong uli ni Madam Chair, “Yung anak mo sabi apo mo raw?”

“Oo, hindi 'yung anak ko, jowa ko.” Natatawang hirit ng Pepito Manaloto comedienne. “May ganun or kaya mga pamangkin ko, akala nila apo ko na 'yung ganun.”

Arthur SolinapSource: Your Honor

Para naman kay Arthur Solinap, hindi raw niya nararamdaman ang pagka-'Tito' niya dahil marami sa barkada niya ang teenager.

“Hindi ko pa nafi-feel. Kasi ewan ko, siguro dahil ng mga ka-basketball ko mga Sparkle, mga teenager. 'Yun ang mga tropa ko medyo [bata], sabi ni Rochelle (Pangilinan), 'bakit ganun 'yung mga barkada mo mga bata?'

Dagdag niya, “Siguro nafi-feel ko lang na Tito 'pag nakasalubong ko si Paul Salas. Tatawagin niya akong Tito. Kaya sabi ko huwag mo ako i-Tito!”

“Kapag tinatawag niya akong Tito dun ko nafi-feel.”

Sa mga hindi nakakaalam, tito ni Paul ang Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at pinsan naman nito si Arthur.

RELATED CONTENT: Pepito Manaloto' characters: Then and Now