What's on TV

Your Honor: Boobsie Wonderland, nagtrabaho sa Japan sa murang edad?

By Aedrianne Acar
Published April 29, 2025 6:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

China taxes condoms, contraceptive drugs in bid to spur birth rate
Negros Occ records over 260 road mishaps
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News

Boobsie Wonderland in Your Honor


Boobsie Wonderland, makikipagkulitan sa 'Your Honor' ngayong Sabado, May 3!

May makulit na resource person na haharap kina Madam Chair Tuesday Vargas at Vice Chair Buboy Villar sa session ng Your Honor this Saturday night at ito ay walang iba kundi si Boobsie Wonderland!

Ipinatawag siya ng House of Honorables para sa masayang session nila na tinawag na "In Aid of Childhood: Adventures ng Batang Kanal."

Sa teaser ng episode ng Your Honor, inalala ni Boobsie ang mga panahon noong malaman ng kaniyang nanay na magta-trabaho siya sa Japan para matustusan ang kanilang pangangailangan.

Lahad niya, “Nung nag-Japan ako nung 14 years old nalaman ng Mama ko na, 'Ano, aalis ka papuntang Japan?'"

Pagpapatuloy ng comedienne, “E, 'Ma. Nakapag-cash advance na ako ng Php 20,000. Kung ayaw n'yo mag-Japan ako, e 'di balik n'yo na lang 'yung twenty.' [Sabay sabi niya], 'Oh, basta mag-iingat ka, anak.'”

Abangan ang all-new episode ng Your Honor ngayong May 3 sa YouLOL YouTube channel, pagkatapos ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto.