
Tulad ng role niya sa Pepito Manaloto, naniniwala nga ba si Michael V. na kailangan ng suwerte para maging maganda ang showbiz career ng isang artista?
Ito ang tanong ng Your Honor host na si Chariz Solomon sa multi-awarded Kapuso comedian sa episode teaser ng YouLOL Originals vodcast ngayong Sabado, June 21.
Usisa ni Madam Cha, “Pero sa career, hindi mo lang puwede iasa lang siyempre sa suwerte?”
Tugon naman ni Michael V., “Ayan, palagay ko, oo. Malakas ang loob at makapal ang mukha. Gusto ko maging entertainer, bata pa ako, nanggagaya na ako ng boses.”
Abangan ang kulit session nina Chariz Solomon at Buboy Villar kasama si Michael V. sa Your Honor, ngayong Sabado, June 21, streaming on YouLOL YouTube channel after Pepito Manaloto.
RELATED CONTENT: Impressive facts about multifaceted actor and award-winning comedian Michael V.