
Ang 'face reveal moment' ni Captain Serenade at ang pagbubunyag sa tunay niyang pagkatao bilang si Miguel (Heath Jornales) sa harap ni Angel (Caprice Cayetano)—na mas kilala ng mga tagahanga bilang 'AnGuel'—ang tunay na nagpakilig at tumatak sa puso ng mga manonood at netizens noong nakaraang Huwebes, July 9, sa ikatlong linggo ng kilig meter poll.
Inilabas ng GMA Public Affairs at GMA Network sa kanilang mga social media page ang ikatlong bugso ng poll upang muling makuha ang pulso ng mga tagasubaybay ng kanilang serye sa Afternoon Prime.
Sa ikatlong paglulunsad ng poll na ito, layunin pa ring tukuyin kung aling tambalan ang naghatid ng “next-gen kilig” sa nagdaang linggo ng pag-ere, ngunit sa pagkakataong ito, tinanong ang mga manonood at netizens kung sino sa tatlong ships ng serye—ang 'AnGuel,' 'GeLix,' at 'ZiGel'—ang nagpamalas ng pinakanakakakilig at hindi malilimutang eksena sa nakalipas na tatlong linggo ng serye.
Muling tumakbo ang poll sa loob ng apat na araw; naging aktibo ang avid fans, shippers, at viewers sa pagboto at pagbibigay ng suporta sa kani-kanilang mga hinahangaang tambalan na nagpakilig sa bawat eksena. Noong Lunes, July 13, inilabas na ang opisyal na resulta ng naturang poll sa mga social media page ng GMA Network at GMA Public Affairs.
Hinirang bilang “Week 3 Kilig Meter Winner” at ang tambalang may “Best Scene” sa tatlong linggong takbo ng serye sa telebisyon ang 'AnGuel' matapos makalikom ng kabuuang 140,622 na boto. Ang nasabing tagumpay ay nagmula sa pinagsamang 5,015 heart reacts sa social media at 135,571 na boto mula sa opisyal na website ng network.
Hindi maitago ng mga fans ang kanilang tuwa sa pagkapanalo ng tambalang 'AnGuel' kung kaya't umani ng samu't saring positive comments ang resulta, habang ipinagdiriwang ng mga fans ang tagumpay ng kanilang paboritong tambalan.
“No doubt. AnGuel chemistry is loud and favorite,” sulat ng isa sa comments section.
“NAPAKALAKAS NGA NAMAN TALAGA,” ani ng isang netizen.
“Lakas talaga ng chemistry ng #CapEath,” komento ng isang fan.
Patuloy na subaybayan sina Caprice at Heath bilang sina Angel at Miguel sa You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!
Related Gallery: 'You're My Favorite Song' stars feel overwhelming support from fans at media day