GMA Logo Kyline Alcantara and Mavy Legaspi
What's on TV

Kyline Alcantara, inakalang suplado si Mavy Legaspi sa unang pagkikita

By Kristian Eric Javier
Published March 13, 2023 4:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 23, 2025
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Kyline Alcantara and Mavy Legaspi


Alamin kung ano ang naging unang tingin nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa isa't isa rito.

Aminado ang Zero Kilometers Away star na si Kyline Alcantara na bilang anak ng mga primyadong artista sa industriya, inakala niyang mayabang ang co-star niyang si Mavy Legaspi nung una silang magkita.

Una man nagkatrabaho ang dalawa sa romance drama series na I left My Heart in Sorsogon, sinabi ni Kyline na matagal na silang magkakilala ni Mavy off-cam at ang unang impression niya rito, “mayabang siya, like punong-puno ng hangin.”

“Akala ko po mayabang siya (Mavy), kasi before. Thank you dahil nabago 'yon. Before, ang thinking ko, parang 'anak kasi ng artista for sure mayabang 'to,' so nabago,” sabi ni Kyline sa interview nila sa podcast na Updated with Nelson Canlas.

Dagdag pa nito, “'Yong time po na nag-meet kami for the very first time ganu'n agad ako, feeling ko po close na kami dahil nakatrabaho ko na 'yong mom niya.”

Unang nagkatrabaho sina Kyline at ang mom ni Mavy na si Carmina Villaroel sa dating primetime series na Kambal Karibal kung saan ginampanan ng batang aktres ang role ni Cheska Enriquez de Villa, na siya namang naging breakthrough role niya.

Para naman kay Mavy, masasabi niyang “super approachable” si Kyline na unang lumapit sa kanya nung magkakilala sila.

“Sobrang nakyutan ako sa kaniya dahil napaka-bubbly niyan. Alam mo 'yong bigla siyang pumasok lang e, hello parang may ray of sunshine lang na pumasok sa buhay ko,” dagdag pa ng aktor.

Abangan sina Mavy at Kyline sa isang kakaibang love story ng dalawang childhood friends na hinahanap ang “the one” sa mga dating apps sa Zero Kilometers Away sa GMA.

TINGNAN ANG SWEETEST MOMENTS NILA MAVY AT KYLINE SA GALLERY NA ITO: