
Matakam sa masasarap na luto at sa matatamis na ngiti sa 'My Name is Busaba' sa GMA.
Mapapanood na ang nakakatakam na romance Lakorn series na 'My Name is Busaba' sa GMA.
Matapos ituon ni Busaba (Bee Namthip Jongrachatawiboon) ang kaniyang buhay sa pagluluto ng Thai cuisine, at sa lalaking inaakala niyang panghabang-buhay na ay parang bula na mawawala sa kanya ang mga ito.
Samantala, kilala ang pamilya ni Miguel (Film Thanapat Kawila) sa iba't ibang negosyo, lalo na sa pagpapatayo ng mga hotel. Sa paglihis niya ng landas ay magbubukas siya ng bagong restaurant para patunayan ang kaniyang sarili.
Sa pambihirang pagkakataon ay makikiklala nina Busaba at Miguel ang isa't isa. At dahil kailangan nila ngayon ng trabaho at bagong chef, pagdedesisyunan ni Miguel na kunin si Busaba na agad namang tinanggap ng dalaga.
Ngunit ang magandang samahan nila ay magiging kumplikado nang unti-unting magkagusto si Busaba kay Miguel. Isa ba itong recipe para masira ang partnership nila o magiging dahilan para mas tumamis ang kanilang buhay?
Abangan sa 'My Name is Busaba,' September 11, 9AM, sa GMA.