What's Hot

Game of Outlaws: Alamin ang kwento ng magkapatid na sina Relisa at Jennifer

Published April 12, 2023 5:22 PM PHT

Video Inside Page


Videos

Game of Outlaws




Isang krimen ang babago sa buhay ng dalawang bata na sina Relisa at Jennifer nang mapatay ang kanilang mga ama ng isang kriminal.

Dahil wala ng pamilya, aampunin ng ina ni Relisa si Jennifer at magkasama silang lalaki at papasok sa Special Investigation Centre upang hanapin ang pumatay sa ama nila at maghiganti.

Sa pag-pasok nila sa SIC ay magkakagusto naman si Relisa sa trainer nilang si Aaron, habang mayayabangan naman si Jennifer sa kaniya.

Pero dahil sa potensyal na ipinakita ni Jennifer sa training, naitalaga siya bilang bagong partner ni Aaron, isang bagay na ipinagselos naman ni Relisa.

Maayos pa kaya ang hindi pagkakaunawaan ng magkapatid at maipaghiganti ang namayapa nilang mga ama?

Abangan sina Toon Pimpawee Kograbin at Taew Natapohn Tameeruks bilang sina Relisa at Jennifer sa Game of Outlaws sa GMA. Mapapanood simula April 17, 5:10 p.m. sa GMA.


Around GMA

Around GMA

Flood control project restitution: Alcantara returns P71M to government
These hotel offerings are perfect for the holidays
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak