Video Inside Page
Videos
Paparating na ngayong March 8 ang kwento ng dalawang taong matapos sumuko ay nakahanap ng bagong pag-asa, 'Her Bucket List.'
Sa panahon ng social media, maraming tao ang mas gusto na nasa likod lang sila ng camera, kahit pa kasing talented sila ng sikat na online singer na si Kang Han Sol.
Pero ang hindi alam ng marami, malaki ang stage fright ni Han Sol pag nasa harap na siya ng live audience kaya't kahit anong pilit niya ay hindi siya nakikilala sa labas ng online world.
Makikilala niya si Cha Ra Ri, isang babae na sinusubok tuparin ang lahat ng nasa bucket list nito. Sa pag sama niya at pag tupad nila sa nilalaman ng bucket list, may magbago kaya kay Han Sol?