Paparating na ngayong March 8 ang kwento ng dalawang taong matapos sumuko ay nakahanap ng bagong pag-asa, ang 'Her Bucket List.'
Mahal na mahal ni Cha Ra Ri ang boyfriend niya kaya ng pumanaw ito sa isang aksidente at hindi na alam kung ano ang gagawin, pinili niyang sundan ito sa kabilang buhay.
Samantala, isang aspiring musician naman si Kang Han Sol at kahit gaano siya kagaling sa harap ng camera ng computer niya ay malakas din ang takot sa harap ng maraming tao.
Bago magpatiwakal ay nakita ni Ra Ri ang bucket list na isinulat niya para sa boyfriend niya noon na nagbigay sa kanya ng motibo para magpatuloy hanggang makumpleto niya ito.
Sa pagtupad niya ng bucket list ay makikilala niya si Han Sol at sasamahan siya nitong tuparin ang naiwang bucket list ng kanyang nobyo. Pero saan kaya hahantong ang samahan nila?
Abangan ang 'Her Bucket List,' simula March 8 , 10.20 p.m. pagkatapos ng 'Bad Romeo' sa GMA.