
Hindi maipagkakailang mahal na mahal ni Ari (Kim So-Hye) ang kanyang boyfriend at kung gaano kaimportante ang binata sa pamilya nito. Kaya nang mamatay ito ay hindi napigilan ng pamilya ng boyfriend niya na sisihin siya.
Para matapos na ang sakit na nararamdaman, maiisip ni Ari na wakasan na rin ang sariling buhay.
Pero bago man niya ito nagawa ay nakita niya ang bucket list na ginawa ng boyfriend niya at naalala ang pangakong tutuparin nila ito. Para tuparin ang ipinangako nila sa isa't-isa, ipagpapaliban muna niya ang naunang plano at susubukang kumpletuhin ang bucket list sa tulong ng isang aspiring singer na si Hanson (Na In-Woo).
Saan kaya mapupunta ang dalawa sa pag tupad nila ng bucket list?
Abangan sina Kim So-Hye at Na In-Woo na magpapakilig sa Her Bucket List, simula March 8 sa GMA.