Video Inside Page
Videos
Makikilala na ang magiging hadlang sa palasyo at sa pag-ibig sa pagbabalik ng 'Poong, the Joseon Psychiatrist.'
Ipararamdam ni Jeon Gang-il (Kang Young-seok) kay Yoo Se-poong (Kim Min-jae) na hindi lang karibal bilang isang manggagamot sa palasyo, maging sa puso ni Seo Eun-woo (Kim Hyang-gi).
Samantala, ipaparamdam naman ni Lee Seo-yi (Woo Da-vi) ang tunay niyang nararamdaman para kay Poong, na hindi lang gugulo sa puso nito, kundi magiging dahilan pa para maging karibal siya ni Eun-woo.
Magiging hadlang kaya sila Gang-il at Seo-yi sa pagmamahalan nina Poong at Eun-woo?
Abangan sa 'Poong, the Joseon Psychiatrist' Season 2 ngayong Oktubre 16, 10:20PM, sa GMA.