What's on TV

KMJS May 24, 2026 Full Episode | Kapuso Mo, Jessica Soho

Published May 27, 2026 6:04 PM PHT
Updated May 28, 2026 6:31 PM PHT

Video Inside Page


Videos

Kapuso Mo, Jessica Soho



Batang wala pang dalawang taong gulang mula Cavite, marunong nang magbasa, henyo nga ba? Tulay sa Davao City na pinondohan ng 184 milyong piso, gumuho! Higit 200 pamilya tuloy ang apektado habang isang residente pa sa Davao ang nakuryente at nalunod sa baha.

Isang guro sa Isabela, winakasan ang sariling buhay matapos mabaon sa utang dahil sa Scatter; habang isang ginang sa Maynila, naipatalo ang higit kalahating milyong piso!

Samantala, Kasalan sa Sultan Kudarat, nauwi rin agad sa hiwalayan?! Isang “bride”, kinuyog ng taumbayan matapos matuklasan na isa pala siyang lalaki?!

Lalaki mula Laguna, mayroong koleksyon ng daan-daang mga Barbie dolls!

Habang mga magsasaka mula Benguet, bumiyahe patungong maynila upang ilahad sa Senado ang kanilang hinaing sa bumabagsak na presyo ng gulay at nasasayang nilang mga ani

At dalagita mula Cebu, nagbalu-baluktot ang katawan matapos saniban diumano ng demonyo?

Panoorin ang video. #KMJS

“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture. 'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS


Around GMA

Around GMA

People gather near a light installation ahead of Vesak Day
Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento marks 16 years with a two-part anniversary special
Sayran nato ang Dagan sa Panahon karong Adlawa May 29, 2026 | Balitang Bisdak