What's on TV

Makiling: Weekly Marathon | February 26 - March 1, 2024

Published March 3, 2024 3:00 PM PHT

Video Inside Page


Videos

Makiling



Pamilya ng mga manggagamot si Amira (Elle Villanueva) na nakatira sa paanan ng bundok ng Makiling. Marami silang natutulungan pero mahina ang kinikita ng mga albularyo, kaya't hindi sila nakaka ahon mula sa kahirapan.

Sa kagustuhang makatulong sa pamilya, magtatrabaho si Amira sa Maynila bilang janitress sa isang eskwelahan. Dito niya makakasagupa ang limang school bullies na tinatawag na Crazy 5. Sila ay mga anak ng mga mayayaman at makapangyarihang pamilya, kabilang ang magkapatid na Portia at Seb (Myrtle Sarrosa at Kristoffer Martin) na anak ng may-ari ng isang higanteng pharmaceutical company, ang Terra.

Lalala nang lalala ang bullying kay Amira hanggang sa tangkain siyang patayin ng Crazy 5. Ang dahilan ng attempted murder ay para agawin ang misteryosong halamang natuklasan ni Amira at ng kaniyang nobyo na si Alex (Derrick Monasterio) sa gubat ng Makiling - ang MUTYA. Kayang magpagaling ng Mutya ng iba't ibang sakit, kung kaya't napakahalaga nito.

Akala ng Crazy 5 ay napatay na nila si Amira, pero pagkatapos ng anim na taon, muli siyang magbabalik para maghiganti! Ang dating malumanay at tahimik na si Amira, ngayon ay isa nang palaban, mayaman, sophisticated at tuso! Maniningil si Amira sa mga taong may napakalaking kasalanan sa kanya!


Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ