Video Inside Page
Videos
Abangan ngayong Sabado sa 'Tadhana:' Chase Your Dreams Special' ang dalawang kwento ng pangarap. Mula sa pagrampa sa entablado ng mga beauty pageants, namasukan bilang domestic helper sa Hong Kong si Lyka (Assunta de Rossi) para matulungan ang pamilya. Ang hindi niya alam ay ang asawa nyang batugan, inaabuso na pala ang kanyang pamangkin. Samantala, pinangarap ni Roxanne (Klea Pineda) na magkaroon ng forever sa kanyang boyfriend, hanggang sa nahuli niyang nangangaliwa ito. Makikilala niya ang delivery boy na si Kokoy (Nicco Manalo) at unti-unting mahuhulog ang loob niya dito. Siya na kaya ang tunay niyang forever? Panoorin sa Tadhana ngayong May 8, 3:15 PM sa GMA-7!