What's on TV

Tadhana: Penitensya | Teaser

Published March 17, 2023 7:17 PM PHT

Video Inside Page


Videos

 Tadhana



Tulad ng kanyang pangalan, puno ng pananampalataya at pagmamahal si Faith (Thea Tolentino) sa Diyos. Bukod sa Panginoon, iibigin din ni Faith ang isang sakristan sa kanilang parokya - si Peter (Dion Ignacio). Pero ang pag-ibig na natagpuan nina Faith at Peter, susubukin hindi lang ang kanilang pagmamahal sa isa't isa, maging ang kanilang paniniwala sa Diyos! Mabubuntis si Faith habang ilalayo naman si Peter ng kanyang relihiyosang ina sa kasintahan.

Huwag palalampasin ang natatanging pagganap nina Thea Tolentino, Dion Ignacio, Juancho Triviño, Tina Paner, Jan Marini, Smokey Manaloto, Mosa, Eulene Casto AKA Yobab.

Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa istoryang susubok sa inyong pananampalataya sa Tadhana: Penitensya ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.


Around GMA

Around GMA

PNP: Over 270K cops, non-uniformed personnel to get P20k incentive on Dec. 19
Disasters afflict 720,000 students, teachers in Cebu in 2025
Oscars to begin streaming on YouTube in 2029