Video Inside Page
Videos
Hanggang sa dulo, hindi pa rin magpapatinag si Serina (Kazel Kinouchi) hangga't hindi niya napapabagsak ang buhay nina Angel (Caprice Cayetano), Enrico (James Blanco) at ang pamilya Dimaculangan na sina Lolo Xavi (Boboy Garrovillo) at Mama Bebe (Katya Santos).
Sa nalalapit na pagtatapos, nakahanda sina Miguel (Heath Jornales), Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa) na maging kaagapay ni Angel sa lahat ng problemang kahaharapin nito.
Sino kaya ang magwagi sa puso ni Angel sa dulo? Abangan ngayong Finale Week!
Huwag palampasin ang mga huling mga tagpo sa kuwento ng You're My Favorite Song, mula Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Network Afternoon Prime at Kapuso Stream.