Maine Mendoza, hindi pa rin makapaniwalang bigating artista na siya | GMANetwork.com - Pictures - Articles

"Sobrang surreal po lahat ng nangyayari ngayon." - Maine 

Maine Mendoza, hindi pa rin makapaniwalang bigating artista na siya

By CHERRY SUN
 

 

A photo posted by Maine Mendoza (@mainedcm) on

Hindi pa rin makapaniwala ang YouTube sensation-turned-actress na si Maine Mendoza na isa na siya ngayon sa pinakasikat na personalidad sa bansa.

Ang dating secret dream ni Maine na maging isang artista ay naging realidad para sa kanya sa loob lamang ng limang buwan. Maliban sa pagganap sa kalye-serye ng Eat Bulaga bilang Yaya Dub at kabi-kabilang endorsements, bibida na rin siya sa kanyang kauna-unahang movie project, ang 'My Bebe Love.'

READ: “She’s a natural” – Vic Sotto on Maine Mendoza’s portrayal in 'My Bebe Love'

Kagabi ay napanood na rin ni Maine ang kanyang unang pagganap sa pelikula at ibinahagi niya ang kanyang reaksyon habang pinapanood ang kanyang sarili.

LOOK: Ang priceless reaction ni Maine Mendoza habang pinapanood ang 'My Bebe Love'


“Lahat po ng nangyayari ngayon, hindi pa po nagsi-sink in sa akin. Hindi ko po kasi siya iniisip eh kaya po siguro ganun,” pahayag ni Maine.

“Ayun po, sobrang surreal po lahat ng nangyayari ngayon kasi ang bilis po lahat ng pangyayari and sobrang daming blessings po ang sina-shower sa amin, sa akin po, kay Alden din at sa AlDub. Kaya sobrang thankful po ako,” dugtong niya.

Ani Maine, kahit marami siyang napagtagumpayan ngayon sa showbiz ay hindi pa rin siya naaapektuhan ng kasikatan. Sambit niya, “Hindi po and ayaw ko rin po na mangyari ‘yun sa akin.”