Aiai Delas Alas, may paalala sa mga manonood ng 'My Bebe Love' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Dalawang tulog na lang at mapapanood na ang Metro Manila Film Festival (MMFFF) entry na 'My Bebe Love.' Kaya naman, may paalala si Philippine Queen of Comedy Aiai Delas Alas para sa mga manonood ng kanilang pelikula.

Aiai Delas Alas, may paalala sa mga manonood ng 'My Bebe Love'

By CHERRY SUN

Dalawang tulog na lang at mapapanood na ang Metro Manila Film Festival (MMFFF) entry na My Bebe Love. Kaya naman, may paalala si Philippine Queen of Comedy Aiai Delas Alas para sa mga manonood ng kanilang pelikula.

READ: “May patutunayan tayo” – My Bebe Love Director Joey Reyes to AlDub Nation 

Panimula niya, “Pwede pong isama mga bata as long as kasama ang parents or may kasamang adults. Any age po… Maraming salamat po (note: Para po sa mga nagtatanong kung pwedeng isama mga bata).”
 



Palala din niya na mismong sa regular screening na lamang simula December 25 maaaring makabili ng tickets para sa My Bebe Love. Aniya, “Tapos na po ang advance na tickets. ‘Yung mga nagpa-reserve ‘yung mga pumunta sa mall tour noong nag-mall tour kami sa lahat ng pinuntahan naming cities and mall dito din sa Metro Manila.”

LOOK: At the red carpet of My Bebe Love Premiere Night 

“Kung block screening ang meron kayo, ‘yun ang parang advance bili ng tickets na di kayo pipila. Opinyon lang. Hehe. Thanks,” mungkahi din ni Aiai.