Maine Mendoza, inalalayan ni Alden Richards sa red carpet ng 'My Bebe Love' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

First time ni Maine Mendoza na lumakad sa red carpet bilang isa mga bida ng isang pelikula kaya naman kabado ito. Pero siyempre, papabayaan ba siya ni Tisoy?

Maine Mendoza, inalalayan ni Alden Richards sa red carpet ng 'My Bebe Love'

By CHERRY SUN

First time ni Maine Mendoza na lumakad sa red carpet bilang isa mga bida ng isang pelikula. Ito raw ang isang patunay na nagkatotoo na ang kanyang pangarap na maging isang artista. Todo alalay rin sa kanya ang kanyang leading man na si Alden Richards para mawala ang kanyang kaba.

LOOK: Alden Richards at Maine Mendoza, sweet sa premiere night ng My Bebe Love

“When I had my first time din to attend my premiere night, may kaba talaga,” paliwanag ng Pambansang Bae sa 24 Oras.

“Everyday pag umuuwi po ako sa amin, tinatanong nila ako kung ‘Nagsi-sink in na ba sa’yo lahat?’ Parang ako hindi pa din so pare-pareho po tayong hindi makapaniwala sa lahat,” bahagi naman ni Maine.

READ: Maine Mendoza, hindi pa rin makapaniwalang bigating artista na siya 

Kasama rin nina Alden at Maine sina Vic Sotto at Aiai Delas Alas sa premiere night ng My Bebe Love. Sambit ng parehong batikang komedyante na regalo nila ngayong Pasko ang muling magpatawa sa mga manonood.

“We’re excited. Gusto ko lang makita ‘yung reaction ng mga tao sa pelikula namin,” ani Vic.

“Thank you po, at ito po ang regalo ko sa inyo. Mapatawa ko man lang po kayo ngayon,” dugtong naman ni Aiai.