Maine Mendoza, complement daw para kay Alden Richards | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Inamin ni Alden na tugmang tugma sila ng Philippine DubSmash Queen bilang isang love team.

Maine Mendoza, complement daw para kay Alden Richards

By CHERRY SUN

Nasaksihan at nakunan ng 24 Oras ang sweet moments nina Alden Richards at Maine Mendoza bago magsimula ang premiere night ng My Bebe Love noong Lunes (December 21).

READ: Alden Richards, inalalayan si Maine Mendoza sa red carpet ng My Bebe Love

Una ay ibinigay ni Maine sa Pambansang Bae ang kanyang regalong pitsel.

READ: Bakit natawa si Alden Richards sa natanggap na regalo mula kay Maine Mendoza? 

Bahagi ni Alden sa 24 Oras, “Hindi, kasi nawala ko ‘yung salamin ko nung nagpo-promo kami nung Cebu at Davao for My Bebe Love. Akala ko ang rinegalo niya pitsel, shades pala.”

“Hindi ko alam na nawala. May nagsabi lang sa akin, tapos nakita kita nag-isko-scroll. So naisip ko, ‘Ah alam ko na.’ kuwento naman ni Maine.

Batid ng aktor ay sinadya ng aktres na ibalot ang regalo sa pitsel para ma-disappoint muna siya. Aniya, “‘Uy, pitsel. Wow, wow.’ Kunwari appreciate muna pero sa isip ko..”

“Uy, mahal ‘yun, 50 pesos ‘yun ah,” hirit ni Maine.

Sikreto na lamang daw ni Alden kung ano ang ireregalo niya sa kanyang leading lady. Gayunpaman, naghayag sila ng kanilang mensahe para sa isa’t isa.

Wika ni Maine, “Pahinga ka. Get some rest.”

Pag-amin naman ni Alden ay tugmang tugma sila ng Philippine DubSmash Queen bilang isang love team.

“Sa mga past love teams ko, kasundo ko rin naman sila pero hindi kasi nila gets ‘yung, hindi nila nasasakyan 'yung kulit level ko. Eh eto complement eh,” paliwanag niya.

“Mas makulit na nga siya sa akin eh,” dagdag ni Maine.

Ibinahagi rin ng Kalye-serye star na nakaramdam siya ng kaba sa pagtahak sa red carpet ng kanilang premiere night, ngunit sa kalaunan ay nagawa pa rin nitong magbiro.

LOOK: At the red carpet of My Bebe Love premirere night 

“Mas kinabahan ako, baka lakaran kako ako . ‘Yun ang naisip ko baka lakaran ako ng mga tao,” natatawang pahayag ni Maine habang nakatingin sa kanyang pulang bistida.


Video courtesy of GMA News