'My Bebe Love' box office hit kaagad wala pang isang oras matapos ito ipalabas? | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Ayon sa unofficial result na nakuha ng direktor ng pelikula, umabot na sa P1 million pesos ang kita ng 'My Bebe Love' sa loob ng isang oras.

'My Bebe Love' box office hit kaagad wala pang isang oras matapos ito ipalabas?

By AEDRIANNE ACAR

Agad nagpasalamat ang direktor ng 'My Bebe Love' na si Direk Jose Javier Reyes sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa kilig movie nila Alden Richards at Maine Mendoza. 

'My Bebe Love' float dinumog ng fans sa 'Parade of Stars'  

Ayon sa tweet ng batikang direktor ngayong umaga, may balita na daw ito na maganda ang performance ng kanilang pelikula in terms of ticket sales.
 


Sa isa pang tweet ni Direk Joey, ayon sa unofficial result na nakuha niya, umabot na sa P1 million pesos ang kita ng 'My Bebe Love' sa loob ng isang oras.