'My Bebe Love,' tinatangkilik at pinipilahan din sa Australia | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Sold out kaagad ang first day ng 'My Bebe Love' sa Sydney, Australia. 

'My Bebe Love,' tinatangkilik at pinipilahan din sa Australia

By AL KENDRICK NOGUERA

Hindi lang sa Pilipinas nag-iingay ang My Bebe Love #KiligPaMore dahil tinatangkilik din ito sa mga sinehan sa Sydney, Australia.

READ: ‘My Bebe Love,’ now on its second week! 

Ayon sa Youscooper na si Renee Emata na nagbahagi ng balita sa GMA News, first day screening pa lamang daw nang pinarangalang 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) 3rd Best Picture ay sold out na kaagad ang tickets nito.

Sa second day screening na raw nakapanood si Renee ngunit dinanas pa rin niya ang mahabang pila sa pagbili ng ticket ng nangungunang pelikula sa box office.

READ: 'My Bebe Love,' ipapalabas din sa Amerika at United Arab Emirates 


Video courtesy of GMA News