Kissing scene nina Alden Richards at Maine Mendoza, isa sa mga dapat abangan sa 'Imagine You & Me?' | GMANetwork.com - Films - Articles

Aminado ang dalawang Kapuso stars na nakakaramdam pa rin sila ng kaba lalo na at sila na ang lead stars ngayon.  

Kissing scene nina Alden Richards at Maine Mendoza, isa sa mga dapat abangan sa 'Imagine You & Me?'

By CHERRY SUN

Marami raw dapat abangan sa pagbibidahang pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza na Imagine You & Me.  Kabilang na kaya rito ang usap-usapang kissing scene ng phenomenal love team?
 
Kahapon, June 30, ay humarap sa press sina Alden at Maine. Kasama nila sa press conference sina Jasmine Curtis-Smith, Kakai Bautista, Cai Cortez at Direk Mike Tuviera. Dito ay nagbahagi sila tungkol sa nalalapit nilang pelikula. 
 
Aminado ang dalawang Kapuso stars na nakakaramdam pa rin sila ng kaba lalo na at sila na ang lead stars ngayon.
 
“After ‘Sa Tamang Panahon,’ it’s the second biggest break of our love team so excited po kami. Hiningi po ito ng tao sa amin, sa Eat Bulaga po, kay Direk Mike, kay Tatay po, kay Mr. Tuviera so kinakabahan po kami in a sense and may pressure kasi ang taas po ng expectation ng mga tao,” paliwanag ni Alden.
 
“Pero sigurado naman po ako na magiging maganda ito. Maganda po ang istorya at talagang pinaghirapan po ni Direk Mike, kaming lahat po pinaghirapan po namin. Sana maging successful ‘yung film,” dagdag naman ni Maine.
 
Kabilang daw sa mga hindi dapat palagpasin sa Imagine You & Me ay ang twist ng kuwento at ang mga eksena sa Italy.
 
“Aside from doon sa mga eksena, ‘yung Italy po mismo. Kumbaga ‘yung film po kasi, sabi ni Direk Mike, it will not be possible kung shinoot po ito sa ibang lugar. The movie was made to be shot sa Italy so ganda po ng sceneries, ganda po ng locations namin, isa po ‘yung sa highlights ng pelikula,” wika ni Alden.
 
Nang tanungin naman sila tungkol sa kissing scene ay idinaan ng magkatambal sa biro ang kanilang sagot. Dito ay nagsalita na rin si Direk Mike.
 
“Nagtatanong kayo kung may kissing scene. Ang tanong ko naman, on-screen o off-screen?,” hirit niya.
 
“Gusto ko makita ng tao ‘yung first time, gusto ko may mga surprise pa rin sila. So siyempre, tulad ng trailer, patikim pa lang ‘yun. Tulad ng sinabi nga ni Alden, ‘yung buong kuwento makikita lang ng mga tao ‘pag mapanood nila. May mga sikreto pa rin naman kami. We have some tricks up our sleeve,” pahayag ni Direk Mike.
 
MORE ON 'IMAGINE YOU & ME':
 
WATCH: The full trailer of 'Imagine You & Me'
 
READ: 'Imagine You & Me,' mapapanood din sa ibang bansa