Dental Diva Kakai Bautista napabilib sa acting prowess ni Maine Mendoza sa 'Imagine You & Me' | GMANetwork.com - Films - Articles

Basahin kung anong masasabi ni Kakai tungkol kay Maine. 

Dental Diva Kakai Bautista napabilib sa acting prowess ni Maine Mendoza sa 'Imagine You & Me'

By AEDRIANNE ACAR

Abot langit ang pasasalamat ng musical actress na si Kakai Bautista nang malaman daw nito na makakasama siya sa romatic flick ng AlDub na ‘Imagine You & Me.’

Ayon sa exclusive interview ni Kakai kay Cata Tibayan sa 24 Oras ngayong Huwebes ng gabi, July 7, katuparan daw ito ng kaniyang mga pangarap na mapasama sa pelikula nina Maine Mendoza at Alden Richards.

Aniya, “Nung nalaman ko talaga na kasali ako sa movie nila nagpunta talaga ako sa Padre Pio agad nagpasalamat ako kasi dream come true kasi yun.”

Saludo din ang tinaguriang Dental diva sa ipinamalas na galing ni Maine sa pag-arte sa ‘Imagine You & Me.’

Paliwanag ng Conan, My Beautician star, “Napakanatural niya siyempre mayrun itong ano mga emotan,”

Malapit nang mapapanood ang ‘Imagine You & Me’ sa susunod na linggo, July 13.

MORE ON ALDUB:

Mga sikat na celebs na idolo ang AlDub

LOOK: 14 must-see AlDub throwback photos

READ: Daddy Bae's calm response to Alden Richards's basher