Cai Cortez at Kakai Bautista, ibinunyag kung paano katrabaho ang AlDub | GMANetwork.com - Films - Articles

“Wala talagang dull moment pag kasama mo silang dalawa." - Kakai on AlDub

Cai Cortez at Kakai Bautista, ibinunyag kung paano katrabaho ang AlDub

By CHERRY SUN

Bilang matalik na kaibigan ni Gara sa Imagine You & Me, matagal nakasama at naka-bonding nina Cai Cortez at Kakai Bautista sina Maine Mendoza at Alden Richards. Ano kaya ang masasabi nila tungkol sa phenomenal love team?

Mapalad daw sila na maging bahagi ng AlDub movie.

Pag-alala ni Cai, “‘Oh my gosh, AlDub!’  Tapos, movie talaga nila. Talagang na-excite ako of course because this is the AlDub, talagang nagma-mark sila ng mga love teams of our generation talaga. So it will go down in history at matatandaan talaga ng mga ka-henerasyon namin.”
 
“Minsan-minsan lang magkaroon ng chance sa buhay mo na mapasama ka doon sa mga tao na hindi lang sa Pilipinas sikat, kung hindi sa ibang bansa din, sa Asia ‘di ba,” pagsang-ayon naman ni Kakai na aminadong AlDub fan.
 
Mataas man ang tingin nila kina Alden at Maine, pansin nila ang kababaang-loob ng dalawa.
 
“Noong nakakatrabaho ko na sila, nakakagulat kasi kahit alam mong sobrang sikat nila and super ‘it’ couple, totoong tao pa rin po sila,” kuwento ni Cai.
 
Wala raw reklamo ang dalawa at napakadaling katrabaho.
 
Sambit muli ni Cai, “Sobrang gentle nilang tao, hindi sila mareklamo, ganyan. Noong antok na antok na kami, parang wala nang energy, si Maine talaga ‘yung parang bumubulwak ‘yung energy. Hindi ko po alam kung saan na po siya humuhugot. Ang sarap po katrabaho. Tapos si Alden din, walang reklamo. Go lang ng go. Smile lang palagi. Patulog level na, naka-smile pa rin. Kaya po masarap and I’m so lucky to be part of this film.”
 
Dagdag naman ni Kakai, “Wala talagang dull moment pag kasama mo silang dalawa. Si Alden, taga-tawa lang namin ‘yan, taga-ngiti. Lagi lang siyang guwapo. Tapos si Maine, ayan alam niyo na pag pinagsama-sama niyo kaming tatlo nina Cai, sabog ang tent. Ganun, maingay. Sobrang tatanawin ko ‘to na napakagandang memory sa buhay ko.” 
 
MORE ON IMAGINE YOU & ME:
 
READ: Jasmine Curtis, ikinuwento kung paano nakasali sa Imagine You & Me
 
READ: Alden Richards at Maine Mendoza, nakaka-relate kina Andrew at Gara ng Imagine You & Me 

READ: International airing schedule ng Imagine You & Me primer, mapapanood sa GMA Pinoy TV