AlDub, dinaig ang Hollywood stars dahil sa fans? | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Ayon kay Direk Mike, kakaiba daw talaga ang hatak ng love team ni Alden at Maine sa fans. 

AlDub, dinaig ang Hollywood stars dahil sa fans?

By CHERRY SUN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Pati ang mga Italiano ay namangha sa kasikatan nina Alden Richards at Maine Mendoza. Ito ang ibinida ni Direk Mike Tuviera nang ikuwento niya ang ilan sa challenges na kanilang hinarap habang kinukunan ang pelikulang Imagine You & Me sa Italy.

Ayon sa direktor, ang security ng kanilang mga artista at production staff, at pati confidentiality nila at ng kuwento ng pelikula ang isa sa mga hamon sa kanila noong nasa ibang bansa.

Pahayag niya, “Sabi ko at least dito hindi tayo mamomroblema sa security, or keeping things confidential. [Pero] araw-araw na nagtrabaho kami sa Italy merong sumusunod sa aming mga fans. There was one group of fans. They were very proud; every single location napuntahan nila habang nagsu-shoot kami.”

Kuwento raw kay Direk Mike, ang ganitong klase ng kasikatan na talagang pinagkakaguluhan at sinusundan ay kailanma’y hindi nasakishan ng mga Italiano na katrabaho nila sa pelikula.

“They have worked with George Clooney and Brad Pitt for Ocean’s Twelve tapos they had worked with all these Hollywood stars [like] Johnny Depp, they had never seen that, ‘yung merong sumusunod talaga na tropa, ‘yung mga fans,” aniya.

Gayunpaman, na-appreciate daw ng direktor ang nangyari.

Sambit niya tungkol sa fans, “They were very nice. They would sometimes bring us Pinoy food kasi the crew, some of the cast, syempre pasta everyday and all of that, so they would bring adobo.”

MORE ON IMAGINE YOU & ME:

READ: Cai Cortez at Kakai Bautista, ibinunyag kung paano katrabaho ang AlDub 

READ: "They have an effect on each other"- Direk Mike Tuviera on AlDub 

READ: Kissing scene nina Alden Richards at Maine Mendoza, isa sa mga dapat abangan sa Imagine You & Me?