MUST-READ: Advisory on 'Imagine You & Me' piracy | GMANetwork.com - Films - Articles

Piracy is a crime. 

MUST-READ: Advisory on 'Imagine You & Me' piracy

By CHERRY SUN

Isang seryosong usapin ang isyu ng pamimirata. Ito ay nakakaapekto hindi lamang sa mga artista, producers at direktor kung hindi pati na rin sa mga karaniwang tao na naging bahagi ng pelikula o ano mang produksyon. 

Kaya naman, mariing tinututulan ng mga bumuo ng Imagine You & Me ang iligal na gawaing ito. Sa pamamagitan ng official Facebook page ng AlDub movie ay ipinaabot nila ang isang paalala at pakiusap ukol dito.

MUST-READ: Dirke Mike Tuviera appeals to netizens not to watch pirated Filipino films

“Ang aming layunin ay makapaghandog ng makabuluhang pelikula na ikaliligaya at maipagmamalaki ng mga manonood ng pelikulang Pilipino. Kung kaya’t kami ay nananawagan sa inyong tulong upang sugpuin ang piracy,” ayon sa kanilang inilathalang advisory.

Nakikiusap ang pamunuan ng APT Entertainment Inc., GMA Films Inc., at MZET TV Productions Inc. na ipagbigay-alam sa pamamagitang ng isang private message sa Imagine You & Me official Facebook page ang ano mang video o naka-post sa iba’t ibang social media platforms na naglalaman ng kabuuan or bahagi ng pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza.
 

 

 



MORE ON IMAGINE YOU & ME:

READ: Direk Mike Tuviera, nagpasalamat sa AlDub Nation sa pagtulong sa pagbabantay labang sa piracy  ngImagine You & Me 

IN PHOTOS: 10 hugot and kilig lines from Imagine You & Me 

READ: Direk Mike Tuviera, kinilala ang AlDub genius na si Jenny Ferre at mga OFWs sa Imagine You & Me