EXCLUSIVE: Alden Richards, nagpapasalamat sa pagtangkilik at magandang review ng 'Imagine You & Me' | GMANetwork.com - Films - Articles

“We were expecting it to make it well, but we never imagined it would be this big. " - Alden Richards

EXCLUSIVE: Alden Richards, nagpapasalamat sa pagtangkilik at magandang review ng 'Imagine You & Me'

By CHERRY SUN

Ngayong nasa ikatlong linggo na ang pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza sa pinilakang tabing, masasabing matagumpay ang unang AlDub movie na Imagine You & Me. At sa eksklusibong panayam ng Pambansang Bae sa GMANetwork.com ay nagpaabot siya ng lubos na pasasalamat.

Panimula ni Alden, “The movie is really meant as a gift for the supporters. Nung ginagawa namin ‘yun, we were having fun and there were no expectations.”

“We were expecting it to make it well, make it okay doon sa box office but we never imagined it would be this big. So we’re very grateful talaga,” patuloy niya at ibinahaging nakatanggap siya ng ilang mensahe mula sa fans na higit limang beses na nanonood sa mga sinehan.

Ikinatuwa din ng aktor na makatanggap ng mabuting feedback mula sa mga kasama sa industriya tulad nina Kris Aquino at Teddy Locsin.

MUST-READ: Kris Aquino, naging fan ng AlDub matapos mapanood ang Imagine You & Me

“Very very thankful kami with them kasi of course kanino pa ba tayo kukuha ng critic kung hindi doon sa mga batikan na so we’re very thankful and they gave good reviews about the movie. Sigurong talagang makakahatak pa ng more viewers,” pahayag ni Alden.

MORE ON IMAGINE YOU & ME:

IN PHOTOS: 10 hugot and kilig lines from Imagine You & Me

MUST-READ: Advisory on Imagine You & Me piracy 

READ: Alden Richards clarifies that Imagine You & Me block screening proceeds go to charity