Rhian Ramos starts shooting for 'Kung Paano Siya Nawala' movie | GMANetwork.com - Films - Articles

Nagsimula nang mag-shoot si Kapuso actress Rhian Ramos para sa kanyang pelikulang 'Kung Paano Siya Nawala' kung saan makakasama niya si JM de Guzman.

Rhian Ramos starts shooting for 'Kung Paano Siya Nawala' movie

By MICHELLE CALIGAN

Nagsimula nang mag-shoot si Kapuso actress Rhian Ramos para sa kanyang pelikulang Kung Paano Siya Nawala kung saan makakasama niya si JM de Guzman. Bukod sa pagiging leading man ay co-executive producer din ni Rhian ang aktor.

 

Coffee with my executive co-producer =) @1migueldeguzman

A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos) on

 

Nitong Martes, July 17, naganap na ang kanilang first shooting day at ibinahagi agad ng aktres ang magandang balita sa kanyang Instagram account.

 

Aniya, "Gaaah! Just shot for #KungPaanoSiyaNawala yesterday! Oh my goodness, I don't know how to put into words how inspired I am working with these people. Every single part of this team is giving so much more than just what the job requires.. styling, story, set design, lights.. ultimong nung pinayungan ako kahapon, may puso eh. Sarap din magbigay pag ganun. Mababaliw ata ako sa movie na to. Jusko Lord help."