Michael V on working with Dawn Zulueta: 'Gusto ko talagang ma-impress siya' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Nakakataba ng puso para kay Kapuso comedy genius Michael V ang natanggap niyang papuri mula sa kaniyang leading lady sa 'Family History' na si Ms. Dawn Zulueta.

Michael V on working with Dawn Zulueta: "Gusto ko talagang ma-impress siya"

By AEDRIANNE ACAR

Nakakataba ng puso para kay Kapuso comedy genius Michael V ang natanggap niyang papuri mula sa kaniyang leading lady sa Family History na si Ms. Dawn Zulueta.

 

Michael V & Dawn Zulueta
Michael V & Dawn Zulueta

 

Sa isang video na in-upload ng entertainment writer Allan Diones, pinuri ni Dawn ang acting skills ng multi-awarded comedian.

Saad niya, “He’s so sensitive, grabe pagka-sensitive nito. Nagugulat na lang ako pag lingon umiiyak na.

“Nagulat at natuwa na he is so used to doing comedy, hindi ba? But he’s so much more than that. He’s really an artist. He’s an actor!” 

'Dawn Zulueta, surprised at Michael V's sensitivity as an artist

Sa one-on-one interview ng GMANetwork.com kay Direk Michael V, sinabi nito masarap sa pakiramdam na bumilib ang veteran movie actress sa kaniyang performance.

“Natuwa ako at na-flatter ako ng sobra 'tsaka parang ang laking bagay for me na manggaling kay Dawn (Zulueta) ‘yung papuri na ganun, kasi alam naman natin na beterana na siya, matagal na sa industriya pagdating sa drama.”

Dagdag niya, “Eh ako puro comedy ang ginagawa ko. Gusto ko talagang ma-impress siya, hindi naman para magpasikat kundi kahit papaano makapantay man lang dun sa trabahong alam kong ibibigay niya dito sa pelikula.”

Family History is the flagship project of GMA Pictures with Mic Test Entertainment. The movie will premiere in cinemas nationwide in June 2019.