Pagkanta ni Miguel Tanfelix ng theme song ng 'Family History,' aprub sa netizens | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Alamin ang mga komento ng mga netizens sa pagkakapili kay Miguel Tanfelix para awitin ang movie theme song ng 'Family History.'

Pagkanta ni Miguel Tanfelix ng theme song ng 'Family History,' aprub sa netizens

By AEDRIANNE ACAR

Tatamaan ka ng last song syndrome o LSS sa magaling na rendition ng Kapuso teen star Miguel Tanfelix sa theme song ng family drama movie na ‘Family History.’

 

Miguel Tanfelix
Miguel Tanfelix

 

READ: Dawn Zulueta waited two decades to work with Michael V

Ang naturang pelikula ay isang joint project ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment, ang production company na itinayo nina Michael V at asawa na si Carol Bunagan.

Masusubukan sa Family History ang Kapuso comedy genius na ipamalas ang husay niya bilang writer, producer, actor at director. 


Samantala, napiling kumanta si Miguel ng theme song ng movie na ‘Ba’t Gano’n?’ kasama sina Mikoy Morales at Jimwell Ventenilla.

Nagustuhan naman ng netizens ang rendition ni Miguel sa kanta na sinulat mismo ni Michael V.