BiGuel, saksi kung paano maging tatay si Michael V. sa kanyang pamilya | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Inspiring para sa teen stars na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali na makita maging tatay ang Kapuso Comedy genius na si Michael V..

BiGuel, saksi kung paano maging tatay si Michael V. sa kanyang pamilya

By AEDRIANNE ACAR

Inspiring para sa teen stars na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali na makita maging tatay ang Kapuso Comedy genius na si Michael V..

 

 

WATCH: Bianca Umali, Miguel Tanfelix share thoughts about their character in 'Family History'

Nakatrabaho nang dalawa ang multi-awarded comedian sa family drama movie na Family History na joint-project ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa BiGuel, matapos ang guesting nila sa Kapuso ArtisTambayan ngayong Huwebes, June 13, sinabi nang dalawa na nakita nila kung gaano pahalaghan ni Michael V. ang kanyang pamilya.

Kuwento ni Miguel, very supportive ang Bubble Gang star sa kanyang apat na anak at hindi nagiging hadlang ang busy schedule niya para makapag-bonding sa kanyang pamilya.

Aniya, “Very supportive siya sa mga anak niya and kahit sobrang busy niya hindi niya hinahayaan na wala silang bonding time ng mga anak niya.”

“Lagi silang may bonding, sinasama niya sa travel.”

Natutunan din ng Kapuso teen actor kay Michael V. habang ginagawa ang movie na Family History na dapat magaan lang ang atmosphere tuwing sasabak sa shooting.

Paliwanag ni Miguel, “Gawing light lang ‘yung trabaho mo kasi pag heavy lahat, hindi ka makakapag-perform makakapagwork ng maayos, if lahat kayo tumatawa and palagay kayo sa isa’t-isa, masaya mag-work.”

Namangha naman si Bianca Umali sa relationship ni Direk Michael V. sa asawa niya na si Carol Bunagan na siya rin tumatayong executive producer ng Mic Test Entertainment.

Wika niya, “I don’t know how they do it, it amazes me kung paano nila nasu-sustain ‘yung pagiging isang loving family.”

Mapapanood na in cinemas nationwide ang Family History starting July 24!