Michael V., handog sa fans ang 'Family History' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Hangad umano ni Michael V. na makilala pa ng ibang tao ang kanyang mga ginagawa sa pamamagitan ng ‘Family History.’

Michael V., handog sa fans ang 'Family History'

By AEDRIANNE ACAR

Paulit-ulit na sinabi ng Kapuso comedy genius Michael V. sa grand media conference ng Family History, kahapon, July 2, na may mas importante pa bukod sa box office success ng comeback movie niya.

 

Michael V.
Michael V.

 

Sa panayam entertainment press kay Direk Michael, ibinahagi niya ang dahilan kung bakit naisip niyang pumasok sa isang co-production agreement with GMA Pictures.

Wika ni Bitoy, “Ang objective ko talaga is makapag-deliver, secondary na yung kikitain since co-prod and all.

“Pero ako naman, ang objective ko kaya ako nag co-prod, e, para magawa yung vision ko, hindi para kumita ng limpak-limpak. Hindi yun ang objective hindi yun.”

LOOK: 'Family History' holds star-studded media conference

Dawn Zulueta reveals what made her say yes to doing 'Family History'

Katuwang ng GMA Pictures sa pagbuo ng Family History ang sariling production company ni Michael at asawa niyang si Carol Bunagan, ang Mic Test Entertainment.

Nasa isip din daw ni Michael V. ang kanyang fans kaya siya gumawa ng pelikula pagkatapos ng ilang taon. 

Inamin niya na sana maging tulay din ang ‘Family History’  para makahanap ng bagong audience na ma-appreciate ang kanyang ginagawa. 

“It’s more of a fan service,” ani Michael V.

“Kasi, itong project na ‘to, hindi ko naman ginawa para matuwa ako, kundi para matuwa yung kilala kong audience ko.

“At the same time, makakuha nung bago pang audience, ibig ko sabihin ma-curious [sila] at makita nila.

“At ma-appreciate nila, magustuhan makadagdag dun sa following natin and, eventually, maging daan para makagawa pa tayo ng future projects.”

Panoorin ang full trailer of Family History, na mapanonood na sa mga sinehan simula July 24: