Mikoy Morales shares what he learned about Michael V. during 'Family History' taping | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Marami raw natuklasan si Mikoy Morales sa kaniyang co-actor, director, writer, at producer sa upcoming GMA Pictures and Mic Test Entertainment film na 'Family History.'

Mikoy Morales shares what he learned about Michael V. during 'Family History' taping

By BIANCA GELI

Marami raw natuklasan si Mikoy Morales sa kaniyang co-actor, director, writer, at producer sa upcoming GMA Pictures and Mic Test Entertainment film na Family History.

 

Mikoy Morales
Mikoy Morales

 

Ani Mikoy sa ginanap na press conference ng pelikula, “May idea naman na ako dati pa kung paano siya [Michael V.] mag-relay o mag-materialize ng mga concepts and ideas niya pero ngayon ko lang nakita kung paano siya sa set na siya ‘yung in control of almost everything kasi usually as co-actor ko siya nakikita.”

Kitang-kita raw ni Mikoy ang excitement ni Bitoy para sa kaniyang baby project dahil mas may creative freedom daw ito na gawin ang hangarin niya para sa pelikula. “Baby project niya ito, so kita mong sobrang excited siya and may pressure din--but in a good way. Parang nakawala siya from a box so mas na-express niya ‘yung sarili niya.”

May halong kaba rin daw ngayon ang emosyon ni Mikoy para sa upcoming film, na nag-trending online para sa trailer nito. “Everytime pinapalabas ‘yung teaser medyo kinakabahan ako na hindi ko alam.

“Very indie ‘yung teaser eh, very pabitin, nung lumabas ‘yung teaser pero natuwa ako na maganda naman ‘yung reception ng mga tao…so mas lalo nung sa trailer, sakto nung unang napanood namin ‘yun, mas na-excite ako tuloy kung paano ire-receive ‘yung buong pelikula.”

WATCH: Trailer of 'Family History,' nag-world premiere sa 'Sunday PinaSaya'

Hindi rin daw makakalimutan ni Mikoy ang unang shooting day nila at ang pag-jamming nila ng kanyang co-stars.

“Memorable ‘yung first shooting day namin kasi parang first time kong makitang mag-direct ng ganun si Kuya Bitoy.

“Super memorable pati ‘yung parang concert scene kami nila Miguel kasi tumutugtog talaga kami nun. Tapos feel na feel kong nasa concert talaga kami.”

'Family History' showcases a different side of Michael V.

Dawn Zulueta commends Michael V. for his 'clear vision' in writing 'Family History'