Bakit tinuturing ni Nikki Co na blessing maging parte ng 'Family History'? | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Nakikita ni Nikki Co na malaking ‘improvement’ sa career at isang bagong ‘achievement’ na paghuhugutan niya ng inspirasyon ang movie na dinirehe ng multi-awarded comedian, Michael V. 

Bakit tinuturing ni Nikki Co na blessing maging parte ng 'Family History'?

By AEDRIANNE ACAR

Hindi maitago ng Kapuso heartthrob na si Nikki Co ang tuwa na dumating ang opportunity para sa kanya na maging parte ng ‘Family History.’ Dumating kasi ang magandang pagkakataon matapos ang kanyang ACL injury.

 

Nikki Co
Nikki Co

 

Umamin ang StarStruck alum na dumaan siya sa matinding pagsubok dahil na umabot sa point na wala siyang project.

Ani Nikki, “Pambawi kumbaga sa injury ko. So ang sarap lang dahil siyempre mada-down ka nun tapos wala kang project.”

“Ngayon binigyan ka ng movie, so thankful ako kay God na binigyan niya ako ng ganitong opportunity. Ang saya!”

EXCLUSIVE: 'Family History' star Nikki Co, ikinuwento ang mga pinagdaanan matapos ang kaniyang ACL injury

Nakikita din ni Nikki Co na malaking ‘improvement’ sa career at isang bagong ‘achievement’ na paghuhugutan niya ng inspirasyon ang movie na ito na dinirehe ng multi-awarded comedian, Michael V. 

“Tumataas na 'yung level of excitement kasi papalapit na ng papalapit. Tapos mapapanood mo na 'yung sarili mo sa silver screen.

"Dahil first movie ko po ito, ang sarap sa pakiramdam na unti-unti nag-i-improve 'yung career ko and bagong achievement na naman.”

Tutukan ang first movie appearance ni Nikki Co via Family History showing in cinemas nationwide on July 24.

CEB gives 'Family History' 'B' grade, lauds BiDawn for performance

WATCH: Michael V., hands-on hanggang post-production ng 'Family History'