LOOK: 'Family History' star Michael V., masayang nakipag-bonding sa isang fan na may kapansanan | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Nagpaunlak ng oras ang multi-awarded comedian na si Michael V. na makilala at maka-bonding ang isang fan na tulad niya ay artist din sa mall show ng 'Family History' sa Pampanga kahapon, July 21.

LOOK: 'Family History' star Michael V., masayang nakipag-bonding sa isang fan na may kapansanan

By AEDRIANNE ACAR

Nagpaunlak ng oras ang multi-awarded comedian na si Michael V. na makilala at maka-bonding ang isang fan na tulad niya ay artist din sa mall show ng Family History sa Pampanga kahapon, July 21.

 

 

EXCLUSIVE: Arny Ross, napasin ang pagiging mabusisi ni 'Family History' director Michael V.

May kapansanang artist na si Erwin Dayrit, sasabak sa acting sa 'Magpakailanman'

Nakilala ng Family History actor si Erwin Dayrit na minsan nang itinampok ang buhay sa Magpakailanman. Si Erwin ay na-diagnose ng  “osteogenesis imperfecta,” isang sakit na dahilan ng pagrupok ng kaniyang mga buto at pumigil na rin sa kaniyang paglaki.

Busy man sa big event niya sa Vista Mall Pampanga, makikita na game na nakipagkuwentuhan si Direk Bitoy kay Erwin.

 

 

Successful din ang naging mall show ng cast ng Family History kahapon kung saan full-force sina Dawn Zulueta, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Nikki Co, at Jemwell Ventinilla na nag-perform sa harap ng libu-libong tao na dumagsa para mapanood silang lahat. 

Mapapanood ang Family History sa mga sinehan simula uly 24.