Netizens, ibinahagi ang kanilang kuwentong 'Family History' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Sa social media, isa-isang ibinahagi ng netizens ang kanilang experience matapos mapanood ang 'Family History.'

Netizens, ibinahagi ang kanilang kuwentong 'Family History'

By AEDRIANNE ACAR

Nakakataba ng puso ang mainit na pagtanggap ng Pinoy moviegoers sa comeback film project ng multi-awarded comedian at content creator na si Michael V.

 

 

Ito rin ang unang movie kung saan nagkasama sila ng highly-respected movie actress Dawn Zulueta.

Sa mga social media post, isa-isang ibinahagi ng netizens ang kanilang experience matapos mapanood ang pelikula.

Sa Facebook post ni Chari Grace Brown, sinabi niya na na-inspire siya na makagawa someday ng short film dahil sa Family History.

“I highly reco this film! 'Yung shots, 'yung kulay, 'yung character development. Hay, nakakamiss mag-aral! Nakakamiss grabe. Sa movie na to, gumana utak ko. At nangarap ako, nangarap ako makagawa talaga ng short film.”

“PS: Ang sarap nya iyakan pero badtrip, paiyak ka na 'tas patatawanin ka. Bitoy!!! Lupit mo!!!”

 

Sunod-sunod din ang kuwento ng fans ni Dawn Zulueta sa Twitter nang naramdaman nila matapos mapanood ang latest ng project ng kanilang idol.

 

 

 

 

Hindi rin maubos ang papuri ng mga tao sa husay ni Bitoy bilang isang direktor.

 

 

 

 

Manood na ng trending movie of the year, ang Family History! Mapapanood na in over 170 cinemas nationwide at graded “B” ng Cinema Evaluation Board.

'#FamilyHistory: Fans ni Dawn Zulueta, curious kung ano ibig sabihin ng '46 times' 

#46Times: Netizens, uulit-ulitin ang panonood ng 'Family History'