Moviegoers, nakiusap sa mga sinehan na suportahan ang local films tulad ng 'Family History' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Patuloy pa rin ang pangangalampag ng Pinoy moviegoers online sa mga may-ari ng sinehan na ibalik ang pelikula na ‘Family History.’

Moviegoers, nakiusap sa mga sinehan na suportahan ang local films tulad ng 'Family History'

By AEDRIANNE ACAR

Patuloy pa rin ang pangangalampag ng Pinoy moviegoers online sa mga may-ari ng sinehan na ibalik ang pelikula na Family History.

 

 

Ang naturang family drama movie na umani ng hindi na mabilang na magagandang reviews mula sa netizens at movie critics ay nasa second week of showing na.

Pero may mga ilang malls na ang hindi na nagpapalabas nito. Kaya naman naglabas tuloy ng saloobin ang mga Pinoy online na mas pinapaboran 'di umano ng ilang cinemas ang foreign films.

 

 

Pursigido rin ang mga tao sa pagtu-tweet ng #LetsKeepFAMILYHISTORYinCinemas dahil naniniwala sila na mas maraming tao ang dapat makapanood ng quality movie na ito.

Family History is the first team-up of Michael V. and respected movie actress Dawn Zulueta on the big screen. The Cinema Evaluation Board has given the film a “B” rating!

Netizens, nangampanya para ibalik ang 'Family History' sa mga sinehan sa probinsya

#NasaanAngHustisya: Netizens, nagagandahan pa rin kay Dawn Zulueta kahit nakalbo sa isang eksena sa 'Family History'