EXCLUSIVE: Michael V., natuwa na maraming Pinoy sa Amerika ang tinamaan sa 'Family History' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Michael V.: “Ang daming naka-relate at daming naghahangad na sana nga raw mapanood sa ibang lugar.”

EXCLUSIVE: Michael V., natuwa na maraming Pinoy sa Amerika ang tinamaan sa 'Family History'

By AEDRIANNE ACAR

Kitang-kita ang pagiging proud ni Michael V. sa naabot ng debut film niyang Family History nang personal namin siyang makapanayam sa taping ng Bubble Gang nitong Lunes, October 21.

 

Michael V
Michael V

 

Michael V., tinawag na labor of love and laugh ang 'Family History'

Ang Family History ay joint project ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment kung saan nakasama niya ang highly-respected movie actress na si Dawn Zulueta.

Sa one-on-one interview ng GMANetwork.com sa award-winning comedian, mas lalong sumaya si Bitoy nang marinig mula sa mga Pinoy sa Amerika na "tinamaan" sila sa mensahe ng pelikula.

Wika niya, “Naku excited ako! Lalo na noong unang ipinalabas noong unang week. Ang gaganda ng feedback, tapos alam mong maraming tinamaan [laughs].

“Ang daming naka-relate at daming naghahangad na sana nga raw mapanood sa ibang lugar.”

Nabanggit din ni Bitoy na looking forward na siya na ipalabas ang Family History sa online streaming services para makita ng mas maraming tao ang heartwarming story ng mag-asawang Alex (Michael V.) at May (Dawn Zulueta).

“Ako looking forward na mapalabas siya sa streaming services para mas marami ‘yung scope na maabot niya, kasi talagang ang daming nagre-request eh.

“Ako naman, sabi ko sa iyo kahit libre, ipapanood ko sa iba kasi gusto ko talagang mai-share ‘yung message ng pelikula.”

Mga Pinoy sa Amerika, excited na mapanood ang 'Family History'

LOOK: Ayisha Lagdameo is carbon copy of her mom 'Family History' star Dawn Zulueta