Pelikula nina Michael V. at Dawn Zulueta na 'Family History,' mapapanood na sa digital streaming site sa United Kingdom | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Mapapanood na ng mga Pinoy sa UK ang pelikula nina Michael V. at Dawn Zulueta na ‘Family History.'

Pelikula nina Michael V. at Dawn Zulueta na 'Family History,' mapapanood na sa digital streaming site sa United Kingdom

May pagkakataon na ang mga kababayan nating Pinoy sa United Kingdom na mapanood ang trending family movie of the year na Family History.

 

Family History
Family History

 

Sa Instagram post ng award-winning comedian at content creator na si Michael V., puwede nang ma-enjoy ng mga Pinoy sa UK ang nakakaantig na kuwento nina Alex (Michael V.) at May (Dawn Zulueta), dahil available na sa digital streaming site na Amazon Prime Video ang Family History.

 

Ang Family History ay joint production ng Mic Test Entertainment at GMA Pictures at ito din ang first film na dinirehe ni Michael V.

Dito rin unang nagtambal sina Bitoy at ng highly-respected TV/movie star na si Dawn Zulueta.

EXCLUSIVE: Michael V., natuwa na maraming Pinoy sa Amerika ang tinamaan sa 'Family History'

Mga Pinoy sa Amerika, excited na mapanood ang 'Family History'

LOOK: Ayisha Lagdameo is carbon copy of her mom 'Family History' star Dawn Zulueta