gabru

GABBI GARCIA ON DADDY VINCE LOPEZ

Jun 17, 2015 13:05 pm

By ANN CHARMAINE AQUINO
 
Para sa Father's day, isang sweet message ang handog ni Gabbi Garcia sa kanyang amang si Vince Lopez.
 

 

Fambam

A photo posted by Vince Pena Lopez (@lopezvince) on


"Sa daddy ko, sobrang thank you kasi lagi mo akong sinasamahan. Kahit na 'di ba mostly nanay yung sumasama usually, pero siya, lagi niya ako pinapag-drive kahit saan at kahit anong oras. Kahit makikipag-meet up lang ako sa friends ko, ipagda-drive niya ako."

READ: 7 reasons why Gabbi loves Daddy Vince
 
Bukod sa paninigurado ni Daddy Vince na laging safe ang kanyang anak na si Gabbi at ang panganay niyang si Alex, hilig rin daw niyang makipag-bonding sa kanyang dalawang anak.
 
Kuwento ni Gabbi, "Lagi kaming nagba-bonding like we eat outside kasi siyempre, kaming dalawa lang kasi.'Yung mommy ko stewardess so lagi siyang wala."
 
Father's day na sa Linggo (June 21), may plans kaya silang pamilya to celebrate?
 
"Oo naman. Sunday is always a family day so meron 'yan." sagot ni Gabbi. 
 
May gift na bang nakahanda si Gabbi for Daddy Vince?
 
"Oo naman, pero secret muna." pahayag ng young actress.
 
Dahil sa suporta at pagmamahal na natatanggap ni Gabbi mula sa kanyang ama, isang thank you message ang ibinigay ni Gabbi.
 
"Sobrang thank you. Siya lang 'yung taong nagtiyaga sa akin ng ganoon. Sobrang thankful ako sa kanya."

READ: Why Ruru loves his dad, Bong
 

STORIES