Engagement > proposal

Pekto Nacua, hindi raw nakaranas mag-move on sa kanyang love life

Nov 9, 2015 20:12 pm

By BEA RODRIGUEZ

 
Nagkuwentuhan sina Mars Camille Prats at Suzi Abrera kasama sina Marimar star Pekto Nacua, Maureen Larrazabal at 'One Night, Stan' writer-author Stanley Chi tungkol sa pag-mo-move on galing sa nakaraang pag-ibig.
 
Inusisa ng mga Mars si Pekto sa Mars Sharing Group kung gaano katagal bago mag-move on ngunit hindi raw niya ito naranasan, “Isa lang naging girlfriend ko kaya hindi ko na-experience ‘yun. Siya na ‘yung napangasawa ko.”
 
Namangha ang mga Mars nang malaman na nagsimula sa puppy love ang naging relasyon ng komedyante at ng kanyang asawa. Aniya, “Bagets pa kami, siguro mga Grade 6 kami nun… medyo nag-iiring-iringan na kami.”
 
Kuwento ng aktor na inawat raw sila ng magulang ng kanyang crush, “Kapitbahay kami tapos inawat kami ng parents niya kasi parang bata pa kami. [Ang sabi,] ‘Kung talagang kayo, kayo!’”
 
Sino ang mag-aakala na muli silang magkikita? Patuloy ni Pekto, “Accidentally, barkada ko ‘yung pinsan niya. Nagkita kami ulit after 4 [or] 5 years [noong] high school [at] pa-college na. Ganun [ang] nangyari [kaya] hindi ko na-experience masyado ang move on-move on.”