Engagement > proposal

‘The Half Sisters’ actress Sanya Lopez, nagpaabot ng mala-beauty queen na mensahe sa mga kabataan

Mar 18, 2016 14:03 pm

By BEA RODRIGUEZ

 

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com


Sa tangkad at maamong mukha ng baguhang Kapuso actress na si Sanya Lopez, mapapagkamalan siyang isang beauty queen.

Nang makaharap na siya ng GMANetwork.com, ibinahagi niya kung ano ang nagbibigay sa kanya ng natural glow. “Inom ng water, exercise kasi nakakapagpaganda rin siya sa skin, and then proper diet,” ang naging sagot ng dalaga.

Pinatunayan rin niya na hindi lang ang kanyang pampisikal na katangian ang papasa bilang isang binibini kundi pati na rin ang kanyang kalooban, “Sabi nga nila, beauty is a state of mind; it’s not about the appearance, but it is how you feel.”

Bilang isang role model sa mga kabataan, nag-iwan pa siya ng mahahalagang payo. Saad ng The Half Sisters actress, “Keep on praying, study hard kasi importante rin [na] nagbabasa tayo, stay humble [at] maging mabuting tao tayo sa lahat, hindi [‘yung] namimili lang tayo.”

Hindi nakakapagtataka na isang araw sasalang rin ang 19-year-old beauty sa pageants dahil sa kanyang mautak na mga sagot at pagdadala ng sarili, “Why not, ‘di ba? Why not [baka] maging Pia Wurtzbach tayo. Tingnan natin pero paghahandaan.”

Napasabak na raw siya ng training sa beauty queen maker, “Nagka-[training session] ako with Aces & Queens [kay] Jonas Gaffud. Nate-train [kami] sa paglalakad, [pagsagot ng] Question and Answer [portion at kung ano ang mga dapat kainin].”

MORE ON SANYA LOPEZ:

READ: Sanya Lopez, naiyak nang ikuwento kung paano siya na-discover

LOOK: Where did Sanya spend the holidays?