ABOUT THE SHOW

Ang Delayed Justice ay tungkol sa isang public defender at reporter na magtutulungan upang ipaglaban ang mga biktima ng maling akusasyon at mapanagot ang mga tunay na may sala.

Si Bon ay isang public defender na hindi nag-aral sa unibersidad ngunit pumasa sa bar exam at naging abogado. Mag-iiba ang karera ni Bon bilang abogado nang maipanalo nito ang isang retrial case.

Samantala, si Vince naman ay dating blogger na naging isang reporter dahil sa kanyang galing sa pagsusulat.

Ano kaya ang mga madidiskubre nina Bon at Vince sa kanilang paghahanap ng hustisya para sa mga biktima?